Monday, August 15, 2022

Philippines: Tolentino distributes aid in quake-hit abra

PHILIPPINES, August 14 - Press Release
August 13, 2022

Tolentino distributes aid in quake-hit Abra

PIDIGAN, Abra - Senator Francis "Tol" N. Tolentino on Saturday visited the quake-hit Province Abra following the Magnitude 7.0 earthquake that jolted vast parts of Northern Luzon last month.

Tolentino in coordination with the Department of Social Welfare and Development

(DSWD) personally turned over monetary and relief assistance to some 3,000 affected families in the municipalities of Pidigan, Bangued, and ?Lagangilang.

The said towns were among those badly hit by the strong earthquake last July 27.

Abra Governor Dominic Valera joined Tolentino during the distribution of aid and personally thanked the lawmaker for his sincere efforts in helping the quake-hit province back to its feet.

The Office of Civil Defense (OCD) earlier reported that around 140,000 households in Northern were badly affected by the July 27 earthquake.

Aside from the said towns, Tolentino's office also facilitated the distribution of relief assistance to more than 2,000 families in the municipalities in Sallapadan and Bucay in Abra, and to another 1,000 households in Bauko, Mountain Province.


Tolentino binisita ang mga nilindol sa Abra

PIDIGAN, Abra - Dinalaw ni Senador Francis 'Tol' N. Tolentino nitong Sabado, Agosto 13, ang Lalawigan ng Abra na niyanig kamakailan ng Magnitude 7.0 na lindol.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), personal na namahagi ng ayudang pinansyal si Tolentino kasama si Abra Gov. Dominic Valera sa kabuuang 3,000 pamilya na naapektuhan ng malakas na lindol noong isang buwan sa mga bayan ng Pidigan, Bagued, at ?Lagangilang.

Kabilang ang mga nabanggit na munisipalidad sa mga local government units na lubhang sinalanta ng malakas na lindol na tumama sa Hilagang Luzon noong ika-27 ng Hulyo.

Pinasalamatan naman sa harap ng madla ni Gov. Valera ang senador dahil sa hatid nitong ayuda sa kanyang mga nasasakupan na siguradong na makatutulong sa unti-unting pagbangon ng kanilang lalawigan.

Base sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), higit sa 140,000 pamilya ang apektado matapos yanigin ng Magnitude 7.0 na lindol ang Regions 1 at 2 noong isang buwan.

Bukod sa mga nabanggit na munisipalidad, nag-abot din ng tulong pinansyal ang tanggapan ni Tolentino sa higit 2,000 pamilya sa mga bayan ng Sallapadan at Bucay sa Abra, at sa 1,000 pamilya sa bayan ng Bauko sa Mountain Province.

No comments:

Post a Comment