Thursday, August 18, 2022

Philippines: Robin: Hurting OFWs is Not Part of Islam's Teachings

 PHILIPPINES, August 17 - Press Release

August 17, 2022

Robin: Hindi Turo ng Islam ang Manakit ng OFW!

Hindi turo ng Islam ang manakit ng mga kasambahay, kabilang na rito ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Miyerkules, matapos ipalabas ni Sen. Raffy Tulfo bilang bahagi ng kanyang privilege speech ang mga video ng pananakit sa mga OFWs ng kanilang mga amo sa ibang bansa, kabilang ang mga nasa Gitnang Silangan.

Ani Padilla, nasaktan siya matapos mabanggit na ilan sa mga bansa kung

saan nangyari ang pang-aabusong ito ay mga lugar kung saan ang Muslim ang karamihang naninirahan, tulad ng Kuwait, Saudi Arabia at United Arab Emirates.

"Meron lang po akong gustong linawin. Ang mga ganap na ito ay hindi po katuruan ng Muslim. Wala po ito sa katuruan namin. Katunayan, ang turo po sa amin ng Propetang Mohammad, kailanman kahit sinong tao dapat tratuhin mong pantay-pantay lalo na po ang tinatawag nating servants, kasambahay, katulong. Sila po ay pinoproteksyunan ng Islam," wika ni Padilla.

"Kaya po sana hinihingi ko ang patawad ng aking mga kababayan sa ganap na ito sapagka't ang mga gumagawa po nito ay matatawag nating mga Arabo. Huwag po natin tawagin na mga Muslim," dagdag ng mambabatas na ang pangalang Muslim ay Abdul Aziz.

Humingi siya ng tulong kay Sen. Tulfo para mabigyan ang ating mga OFWs ng kahit na basic education sa lengwahe at kultura sa bayang pupuntahan.

Iginiit din ni Padilla na dapat parusahan ang mga napatunayan na nagpabaya sa mga OFW.

"Intindihin ninyo, patawarin nyo po kami sa kagagawan ng aming mga kapatid kung sila ay talagang karumal dumal po. Gusto ko ang linawin na wala itong kinalaman sa Islam. Yun lang po," ani Padilla.


Robin: Hurting OFWs is Not Part of Islam's Teachings

Maltreating or hurting overseas Filipino workers (OFWs) is not part of the teachings of Islam.

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this Wednesday after watching the videos presented by Sen. Raffy Tulfo as part of his privilege speech showing OFWs being maltreated in countries, including those in the Middle East.

Padilla, whose Muslim name is Abdul Aziz, said he felt hurt after learning that some of the countries where the abuses occurred were predominantly Muslim - such as Kuwait, Saudi Arabia and United Arab Emirates.

"Meron lang po akong gustong linawin. Ang mga ganap na ito ay hindi po katuruan ng Muslim. Wala po ito sa katuruan namin. Katunayan, ang turo po sa amin ng Propetang Mohammad, kailanman kahit sinong tao dapat tratuhin mong pantay-pantay lalo na po ang tinatawag nating servants, kasambahay, katulong. Sila po ay pinoproteksyunan ng Islam (I want to make one thing clear. These are not what Islam teaches. Islam and the Prophet Mohammad teach us to treat everyone equally, especially servants and helpers. They are protected by Islam)," said Padilla.

"Kaya po sana hinihingi ko ang patawad ng aking mga kababayan sa ganap na ito sapagka't ang mga gumagawa po nito ay matatawag nating mga Arabo. Huwag po natin tawagin na mga Muslim (I ask for forgiveness from my fellow Filipinos for what was done by these Arabs. They should not be called Muslims)," he added.

Padilla sought help from Sen. Tulfo to aid our OFWs by preparing them for their country of destination through basic education on the language and culture of the host country.

He likewise stressed that those who are found to be negligent for the plight of the OFWs should be punished.

"Intindihin ninyo, patawarin nyo po kami sa kagagawan ng aming mga kapatid kung sila ay talagang karumal dumal po. Gusto ko ang linawin na wala itong kinalaman sa Islam. Yun lang po (I ask for understanding and forgiveness for these dastardly acts. I want to make clear that these have nothing to do with Islam)," Padilla said.

No comments:

Post a Comment